sa katagal ba naman kami na ientertain para kunin bayad namin...nagreklamo ako..hahaha...sabi ko manong kanina pa kami nakapila dito di niyo kami hinaharap (mga ganyang ek-ek) so ayun asikaso much...nakita nila may dala2 kaming balloon at gift... nung nakapasok na... sa second row kami sa bandang gitna napwesto kasi may nauna na samin..so kebs lang...at least kita pa naman kahit papano yung tarps... so prepare prepare na ng mga stuffs... yung gifts nilagyan ko ng dedication ang cards... taz yung tarp binuksan...aagaw pansin kami siyempre nakatarp and balloons eh...tapos medyo ingayness di namin...
then tagal na naman hintay namin..tagal namin naupo...si daphnie nagtetext na papunta na daw pero katagal niya...ask ko siya kung kukuhanan ko na ba siya ng receipt..sabi niya oo... eh di go..rampa ang lola niyo... suot suot ang blue shirt ko nung GT na may autograph pa ni jaime...bwahahaha...
eksena again..ang chaka lang pero nung pumunta ako sa likod at nagtanong kay manong organizer...sabi niya hintayin nalang daw na dumating so balik ako sa upuan...eh di balik...toink...
nag mic test mic test...hiyawan mga pasaway na audience...akala mo pupunta na sa harap and all..di pa naman...hanggang sa dumating na siya sa likod...
siyempre nag rest rest rest pa ang lolo niyo...habang prepare ang flow ng program...check ni daddy malcolm...tapos check niya din yung line up nang songs...bongga! alertness...why not...
tapos..ayun...prepare na talaga mga tarps kasi lalabas na nga in a little while...nung lumabas na super hiyawan mga tao...as in super hiyawan... nung una behave lang...upo lang lahat kasi parang introduction thingy...pero nang sinabing kakanta na ay bongga..hawi ang mga tao papuntang unahan... as in siksikan...
yung first song pala niya..lazy song...ahahaha...applies to jacia na naman...
nung una ayoko makipagsiksikan...kasinga super siksik na..pak!
pero kebs hinatak ako ni rhem...so go...kumukuha din ako ng vid eh.,..
before magstart ang 2nd song niya na nakalimutan ko kung anong title (please wait for the vid)... pina[pabalik kaming lahat sa likod..eh katitigas ng ulo especially ako na super nasa harapan..hahahha...kaya stay put...chos!
pero niladlad ko ng bonggang bongga ang tarp!!! nakita ni bebe james...ay ang lolo...bongga ang ngiti..as in... yung ngiti niyang...basta..super glow is the face...
kaya siyempre flap ang heart ng lola niyo...hahah...kasi di ba...ayiieeee...
ayun kanta kanta siya... nagpa game sila...kukuha ng 3 sa audience na sasayaw...si trixia nakuha...kaya siyempre go...kaso nung andun na ang lola niyo di malaman ang gagawin...
pero epic pa din naman...kasi sa 3 na yun...siya pinakahuli bumaba taz nakapagkiss pa sa cheeks ni jaime!!!
tapos there goes the third and final song...medyo bitin pero kebs...go go go...hahaha
di ko na yun nakuhanan ng video yung 3rd song kasi may girlalets siyang kasama...saka inasikaso ko pa si manong guard...
pero bago tayo pumunta kay manong guard... ito ang epic dun...hindi ako mean ha..pero infairness..mas sweet pa si jaime sa audience na nakasama niya on stage kesa dun sa partner niya lagi pag may show siya...hahaha..kilala niyo ba?kasi kanina...as in super attentive siya dun sa girlalets... unlike ____...weng weng...
so kay manong guard... sabi ko...manong pwede mo ba sabihan ang emcee na may ibibigay kami kay james? sagot niya...oo...hintay lang kayo...
nung palabas na si jaime..panic ako...sabi ko..manong guard palabas na oh! so tawag niya si mr. emcee... lumapit si mr. emcee...kukunin nalang sana ang 2 paper bag sakin...sabi ko...ako magbibigay..naloka sakin pero pinaakyat naman ako...hahaha...
so akyat ako puntahan ko si jaime...tinawag ko si rhem para may kukuha ng pix later...ayaw sana paakyatin pero sinabi ko kasama ko siya...si bebe giza naman...kakalurkey... nag damoves din...nung naakyat kami sumunod siya..hinarangan din siya pero huwag ka ang lola... sinabi na andun na kami bakit pa siya hinaharangan (something like that..) may mga pasaway nga lang na maya't maya humahatak sa kanya...
sabi ko...bebe james just a simple gift from the ilonggo jacia bebes... sabi niya sure sure thanks...taz may umagaw ulit ng atensyon niya...kinalabit ko...harap na naman sakin sabi ko...and also will you please give the other one to trish...ang pasaway dala2 pa niya ang mic nilagay malapit sa baba ko sabay sabi with epic na ngiti... "again?" atras ako...at inulit ko..hahaha..sabi ko will you please give the other one to trish?okay okay naman daw...
ayieee...
ayun may nagpapcture let... kinalabit ko ulit..taz sinabi ko pinapasabi ni ate bhevs..oo naman ang lolo...taz after nun..tinatawag na siya ng mga nagorganize...sabi ko...kuya teka lang picture pa...so picture...si rhem chumurvah din ng pic...so go!!!hahaha
nung pagbaba ko...dami na sumunod samin...ewan kung nakascore yung iba like us... kebs... pero pagbaba ko talaga nginig ako...ahahaha...kasi di ko akalain na makakalapit ako
pero thanks God at di ba effort namin...nagkaroon ng result na maganda kahit medyo bitin...
also...
touched naman din ako kasi...
may 2 lumapit sakin nung nakasama ko na si bebe daph...
sabi hiramin daw tarp ng jacia magpapapic sila...
ask ko JaCia Bebes kayo?sabi nila...slight daw..ganun...hahaha...tapos may tanong sila na nakalimutan ko basta nasagot ko...ako head ng jacia iloilo...so ayun kuha nila number ko...
and those two are Xerian and Angel from CPU
hindi man namin naabot ng bonggang bongga ang nagawa ng JaCia Davao at Cebu... sulit na sulit pa rin...
super saya din ako kasi di lang ako ang nakapag moment...di lang JaCIa stuffs ang naexpose..pero also... yung mga kasama ko na bebes at james' fans ay nakapag moment din

























